Dalawang estudyante ang nagpaulan ng bala sa loob isang charter school sa Denver ‘di kalayuan sa Columbine High School, na ikinamatay ng isang binatilyo at ikinasugat ng walong iba pa, bago sila maaresto ng mga awtoridad.

SCHOOL SHOOTING

Sinabi ni Douglas County Sheriff Tony Spurlock na pumasok ang dalawa sa STEM School Highlands Ranch at pinagbabaril ang mga estudyante sa dalawang silid-aralan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang mga pulis at naaresto ang dalawang suspek.

“Two individuals walked into the STEM school, got deep inside the school, and engaged students in two separate locations,” ani Spurlock.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang 18-anyos na lalaking nasawi sa pamamaril.

Reuters