SA kabila ng pagkolapso sa naitayong dinastiya sa UAAP women’s volleyball, nananatili pa ring positibo si De La Salle coach Ramil De Jesus sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Season 81.

KAPWA napaluha, ngunit magkaibang damdamin ang dahilan sa mga players ng University of Santos Tomas at La Salle sa Final Four series ng UAAP women’s volleyball nitong Linggo sa MOA Arena. Ginapi ng Tigresses and Lady Archers sa makapigil-hiningang, 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10 desisyon para tuldukan ang championship run ng Taft-based volleybelles. (RIO DELUVIO)

Mula noong Season 71, ngayon na lamang nabigong umusad ng Lady Spikers sa UAAP volleyball Finals matapos talunin ng University of Santo Tomas sa Final Four.

“Ganoon talaga. Dumarating naman sa isang tao o sa isang team ‘yung ‘pag na-reach mo ‘yung dulo, possible kang bumagsak. Hindi naman lahat ng panahon nandoon ka sa taas eh,” pahayag ng 11-time UAAP champion coach.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Para sa akin kasi ,every year naman may nawawalang players. So ang point ko kasi, every year, humihina ang team, pero may mga player na willing mag-step up. This time, siguro, medyo late na ‘rin nabuo ‘yung team kasi karamihan ng players ko galing sa injury,” aniya.

Ipinaliwanag ni De Jesus na noong nakaraang Enero, hindi kompleto ang koponan dahil sa injury.

“Kaya may point sa game na parang hindi magkakakilala, merong may mga lapses. Hindi ganoong ka-fluid ‘yung galaw.”

Aminado rin si De Jesus na hirap siya at pagod kasabay sa pagko-coach sa F2 Logistics Cargo Movers na natalo naman sa 2019 PSL Grand Prix finals kontra Petron.

“Ito na ‘yung pinaka-mahirap na naranasan ko na kulang ka pa sa tulog, kailangan mong gumising kasi kailangan ng preparation ng isang team. Halos buong week ako may laro. Ang pinakamahirap dito ‘yung mag-prepare sa isang team, gumawa ng game plan; paano mo i-analyze at pag-aralan ‘yung kalaban.”

-Marivic Awitan