IKINALUGOD ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naging kampanya ng Team Philippines sa katatapos na 2019 Arafura Games sa Darwin, Australia.

Matagumpay na nakapag-uwi ng kabuuang 31 ginto, 51 silver at 34 bronze medal ang 91atletang ipinadala ng bansa sa kompetisyon.

Ang mga nasabing atleta ay piling medalist sa grassroots program ng PSC gaya ng Batang Pinoy, Philippine National Games at ang Palarong Pambansa.

Ayon kay PSC national training director Marc Velasco napapanahon na mabigyan ang mga atleta ng international exposure.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It goes to show that you give a chance to our regional athletes, it would pay dividends in the long run. The athletes really competed and did their best. They gave their all,” ayon kay Velasco.

Pinuri ni Velasco ang kakaibang ugali na ipinamalas ng mga atletang Pinoy habang nasa gitna ng kompetisyon lalo na si trackster Abegail Manzano at ni muay athlete Ariel Lee Lampacan.

Nakuha ni Manzano, ang unang ginto sa kanyang pagsabak sa women’s 3,000-meter steeplechase, at siyang nagbigay ng kanyang silver medal sa women’s 800-meter run sa nakalaban nitong si Makayla Siddons ng Northern Territory.

Bukod dito, kinilala din ang isa pang atleta ng Pilipinas na si Lampacan, sa pamamagitan ng sportsmanship award na kanyang nakuha sa muay competition matapos nitong makuha ang silver medal.

“The Philippines was cited in the muay competition and the Athletes Australia recognized her (Manzano) unselfish attitude towards her fellow competitor,” ani Velasco.

-Annie Abad