UMUKIT ng kasaysayan si Bobby Ray Parks sa Asean Basketball League (ABL) nang tanghaling ABL Local MVP sa ikatlong sunod na season.

Kinilala ang husay ng 26-anyos na anak ng nasirang Parks Sr. – gumawa ng sariling kasaysayan sa PBA bilang ‘Best Import’ sa anim na pagkakataon – matapos makapagtala ng averaged 16.6 puntos mula sa career-best 52-percent shooting, 4.4 rebounds at 3.5 assists.

Pinangunahan ni Parks ang San Miguel Alab Pilipinas sa No. 2 seed bago natalo sa Hong Kong Eastern sa quarterfinals ng 2018-2019 ABL season.

Tinalo ni Parks sa naturang parangal sina Brandon Jawato ng BTN CLS Knights, Delvin Goh ng Singapore Slingers at Chris Dierker ng Saigon Heat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kasalukuyan, tanging sina Wong Wei Long ng Singapore Slingers (2014 at 2016) at import Chris Charles ng HiTech Bangkok City/ Sports Rev Thailand Slammers (2012 at 2013) ang players na may double ABL MVP awards.

Mapapanood na ng basketball fans ang husay ni Parks sa PBA matapos itong lumagda ng kontrata kamakailan sa Blackwater.

Senelyuhan ni Parks at ng kanyang agent na si Charlie Dy, gayundin ni Elire governor Silliman Sy, ang isang taong kontrata na nagkakahalaga ng P2 milyon.