Simula sa Mayo 8, tatanggap ng P4,000 minimum wage ang mga kasambahay sa Western Visayas region.

"We call on employers to comply with this new wage order," paghikayat ni Cyril Ticao, Western Visayas regional director ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Nitong Abril 23, inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang dagdag na P500 sa buwanang kita ng mga kasambahay sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.
Kahit walang humihiling, kusang itinaas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-6) sa P4,000, mula sa P3,500 kada buwan, ang suweldo ng mga kasambahay upang sila ay protektahan, na nakasaad sa Domestic Workers Act of 2012.
-Tara Yap