Sa kabila ng hindi magandang simula para sa Team Lakay ngayong taon, ipinakita pa rin ng Baguio City-based squad ang lakas at kakayahan nila sa Philippine mixed martial arts.

Habang patuloy silang nakikilala sadito sa Pilipinas at sa ibang bansa ay hindi pa rin kuntento si head coach Mark Sangiao.

“Looking back, I’m happy that we were able to make our impact and prove ourselves on the global stage through ONE Championship, but there are still so many things that we want to achieve,” sabi ni Sangiao matapos maparangalan ang kanyang team ng Sinag Tala award sa 5th Philippine Martial Arts Hall Of Fame.

Para kay Sangiao ang tagumpay ng team ay nakabase sad dalawang bagay – ang pag-unlad ng mga batang atleta at solid training para makabuo ng mga champions.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang unang hakbang ay nagawa na nila. Magpapadala ang Team Lakay ng tatlong batang atleta sa Shooto, Japan upang lumaban.

Kapag nanalo sila ay magiging simula ito upang mapirmahan sila sa ONE, kung saan ang Baguio City martial arts collective ay nakagawa ng limang World Champion.

"We have three up-and-coming athletes, and it’s all their debuts as [far as] international mixed martial arts bouts,” paliwanag ni Sangiao.

“I hope that we get a sweep and honor the Philippines again with a win, but to have three athletes invited to Shooto is already a major milestone for us.

“As a coach, I hope to produce more champions in the international mixed martial arts arena.”

Ibinahagi ni Sangiao ang kanyang plano na magtayo ng permanenteng training center para sa mga gustong magsanay sa ilalim ng Team Lakay.

Sa mga nakaraang panayam, binanggit ni Sangiao na bukas siya na magkaroon ng satellite location ang Team Lakay, partikular sa Manila kung saan may lumalaki silang fanbase.

For Sangiao, such plans might be grand, but it has always been his calling to nurture athletes and that is something he vows to get done.

Para kay Sangiao, malalaki ang mga planong ito pero naging parte na ng buhay niya ang alagaan ang mga atleta at iyon ang pinapangako niyang gagawin.

“I am also hoping to have a permanent training center and facility for our athletes,” paliwanag niya.

“Providing enough training facilities will surely mean a lot in producing Class A athletes for global standards.”