PATULOY ang pamahalaan sa pagsusulong ng kampanyang ‘Dismiss Disinformation’ upang malabanan ang fake news at disinformation, sa paglulunsad ng Philippine Information Agency (PIA) Region 10 ng ikaanim na bahagi ng kampanya sa Cagayan de Oro City.

Pinangunahan ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kampanya sa lugar sa pag-iikot sa buong isla para sa media advocacy.

Ibinahagi ni Andanar sa community media ang tatlong paraan ng pasasala ng mga impormasyon sa social media, habang idinagdag niya na ang ilang mga impormasyon na ibinabahagi sa social platform ay hindi “professional”, at hindi tulad ng mainstream media na may ethical considerations, at nakasalig sa “journalistic standards”.

Aniya, kailangan munang suriin ng mga tao ang pinagmulan o source ng impormasyon kung may katotohanan ito, basahin ang buong artikulo o istorya bago ibahagi, at magkaroon ng masusing beripikasyon sa pagtatanong sa mga mapagkakatiwalaang tao o source.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“But because we are living in a democratic government in which social media democratized information through ‘free press,’ we must face the challenge of the 4th Estate and as a new platform of information,” ani Andanar.

Samantala, ayon pa sa Kalihim kritikal ang huling bahagi ng halalan ngayong taon, kung saan patuloy ang pagpapakalat ng mga troll at fake news laban sa pamahalaan, na maaari rin umanong maging uri ng isang ‘destabilization plot’.

Ito rin, aniya, ang dahilan kung bakit binuo nila ang “Dismiss Disinformation”, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga botante at komunidad na tumulong labanan ang “fake news” at hikayatin ang mga gumagamit ng social media na maging mapagmatiyag sa pagbabahagi ng mga impormasyon lalo na sa mga artikulong maaaring ikonsiderang black propaganda.

“The massive campaign of Dismiss Disinformation will help a lot to combat Fake News and the spreading of misleading and false information to the public,” saad pa ni Andanar.

PNA