MARAMING nabitin sa production number ni Arjo Atayde kasama ang ka-grupo niyang Legit Status, sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, na umabot lang sa isang minuto at 30 segundo.

Arjo copy

Sabi nga ng mga nakapanood, “’Yun lang ‘yun? Ang iksi naman. Bitin. Sana man lang hinabaan.”

Sumang-ayon naman kami, dahil bakit nga ba ang iksi ng nasabing production number ng aktor?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya ang sumunod na sabi sa amin, “Sana gawing regular na si Arjo sa ASAP, para makakita ng mga bagong hiphop dance moves.”

Hirit namin, malabong gawing regular si Arjo, as in every week, dahil abala ang aktor sa taping ng The General’s Daughter. Lalo na ngayon na madalas na naka-focus sa kanila ni Ms Maricel Soriano ang kuwento ng serye, dahil nag-aaral na si Elai (karakter ni Arjo), at sobrang talino niya, kaya maraming bata ang nag-aabang sa kanya.

Isa pang dahilan na b ka hindi puwedeng maging every week ang guesting ni Arjo sa ASAP, ay may sisimulan siyang project sa Hulyo. Bukod pa sa siyempre, may kani-kaniyang ganap din sa buhay ang Legit Status.

Baka puwedeng once a month. ‘Yan ay kung may oras pa ang ASAP, dahil ang dami-dami nilang performers doon na kailangang bigyan din ng tamang exposures.

Speaking of ASAP, parang wala namang nagbago sa programming nito, na una nang sinabi na magre-reformat.

Anyway, sana nga gawing once a month si Arjo sa ASAP.

-Reggee Bonoan