BABY boy ang panganay ni Meghan, Duchess of Sussex, at asawang si Prince Harry, ang unang interracial baby sa bagong kasaysayan ng British monarchy.

MEGHAN

Ayon sa pahayag ng The Buckingham Palace, nagsilang si Meghan bandang 5:26 ng umaga ngayong Lunes, at nasa tabi ni Meghan ang ina na si Doria Rangland habang nanganganak.

Sa Instagram post ng royal couple, inihayag nila na tumitimbang ang baby ng 7lbs and 3oz at wala pa silang naibibigay na pangalan sa sanggol.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang newborn ang ikapitong tagapagmana ng British throne, kasunod ni Prince Harry, ngunit hindi pa rin malinaw kung bibigyan ng royal title ang sanggol, gaya ng iginawad sa tatlong anak nina Prince William at Catherine, Duchess of Cambridge.

Parehong ginulantang nina Prince Harry at Meghan ang royal family at ang mundo nang ihayag nila ang kanilang relasyon na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Ipinagpatuloy nila ang kakaibang uri ng pamumuhay na hindi normal para sa royal family, at taliwas sa tradisyon ng kaharian.

Nobyembre 27, 2017 nang ihayag ng Clarence House at Kensington Palace ang kanilang engagement.

Pawang positibo naman ang natanggap na reaksiyon ng mag-asawa mula sa publiko dahil sa posibleng papel nito para sa pagkakaroon ng mixed-race member ng royal family.

Mananatili ang Duke at Duchess of Sussex, at kanilang anak, sa kanilang tahanan sa Frogmore Cottage.