ANG ganda ng online campaign ad ni Isko Moreno, na kumakandidatong mayor sa Maynila, dahil relatable ang lyrics ng rap song ng fliptop battle stars na sina Bassilyo at Smugglaz.

Isko

N a g - t o s s c o i n ang dalawang rapper kung sino ang maunang kakanta para ilarawan ang kanilang ‘lodi’ na anak ng Tondo.

Ang nasabing four-minute online ad ay umabot na sa ilang libong shares, at nakatitiyak kaming magiging pambansang awit ito ng mahihilig sa fliptop.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Simula ni Bassilyo: “Ako ay batang Maynila, anak ng Tondo. Namulat sa maingay at kakaibang mundo. Ganyan din ang lodi ko at lodi ng lahat. May tapat at prinsipyo at mayroong dignidad.”

Hirit ni Smugglaz: “Ang lodi ko naman ay sa lansangan lumaki, natutong mangalakal, nag-aaral sa gabi, nagtitinda ng diyaryo at padyak ng pedicab. Madiskarte, matalino, at may abilidad.

Bassilyo: “Matatag ang lodi ko, malakas ang resistensiya, sipag niya’y nakakahawa ng enerhiya. Parang tatay niya, makisig na istibador. Mas aasenso ang bayan ‘pag bata ang Mayor.

Smugglaz: “Naging vice mayor nang tatlong termino, ‘yan ang lodi ko, subok na sa serbisyo! Nag-aalay ng trabaho mapa-white o blue collar job, nagpapa-aral, marami siyang ISKO-lar.” Bassilyo: “Kami’y parehas na mahirap at parehas nagsumikap, parehas kung lumaban sa minimithing pangarap, pangarap para sa lahat ng mga kababayan. Parehas na lumilingon sa pinanggalingan. Lodi ko sobrang guwapo na, artista pa, ‘di puro porma, ang lakas pa ng karisma niya.”

Smugglaz: “Lodi ko hindi lang artista, suwabe pa magsalita, pero ‘di puro dada, mas marami ang gawa.”

Bassilyo: “Hindi siya bida-bida, ‘di siya nagmamagaling. Hindi mahirap kausap at hindi rin nagmamalalim.”

Smugglaz: “’Di rin tulad ng iba, puwede mo siyang sandalan. ‘Di siya matutumba kahit marami siyang alam.”

Bassilyo: “Lodi ko, batang Maynila, as in bata talaga. Pero bago ang sarili, tao ang mahalaga.”

Smugglaz: “Lodi ko mapagbigay, laging nagpaparaya, pero hindi niya ibibigay kapag Maynila ang nakataya.

Bassilyo: “Sa serbisyo niya inilaan ang kanyang abilidad. ‘Di siya gumagawa ng kuwento para sa pablisidad.”

Smugglaz: “’Pag umaksyon agad-agad, pagtulong sagad-sagad, pangarap para sa lahat at nasa puso niya si God.”

Hanggang sa nagtanong na si Bassilyo dahil iisa ang tinutumbok nila.

“Teka lang, sino ba ‘yang idol mo?”

“Si Isko Moreno,” sagot ni Smugglaz.

“Si Isko Moreno? Eh, pareho lang pala tayo!”

Sabay labas ni Isko at naki-rap na rin.

Kuwento ng taong isa sa mga consultants ni Isko, hindi na sila naglabas ng ad sa telebisyon dahil sobrang mahal, bukod pa sa local position lang naman ang tinatakbuhan ng dating bise alkalde ng Maynila.

“Ang ganda ng program ni Isko para sa lahat ng estudyante sa public schools na mahihirap, bukod doon sa binanggit niyang pakontes niyang palinisan sa mga barangay na magbibigay siya ng isang milyong (pisong) premyo,” sabi ng consultant.

“Ang lahat ng estudyanteng mahihirap ay may allowance na P1,000 kada buwan. Isipin mo, ilang public schools meron ang Maynila?

“Kaya raw niya gagawin iyon dahil naranasan niyang pumapasok sa eskuwelahan na kumakalan ang sikmura. Kung gano’n, ano nga naman ang matutuhan ng estudyante kung walang laman ang tiyan?”

Oo nga, may punto naman talaga si Isko. Sa madaling salita, ‘yung feeding program ay gagawin na niyang monthly allowance ng mga bata. Bale P50 ang allowance sa bawat araw at puwede nang makakain o makapag-agahan ang isang estudyante bago pumasok o makapananghalian kapag panghapon naman ang oras ng pasok.

Ang ganda ng ideyang ito ni Isko, sana ganito rin ang naisip ng ibang pulitikong kumakandidato sa bawat lungsod sa Metro Manila para makabawas sa mga batang nagugutom.

O pati na rin ang problema sa basura, lalo na sa Quezon City, na sumusunod lang sa Maynila, kaya mo rin ito, ‘di ba future Mayor Joy Belmonte?

Going back to Isko, malaki na raw ang lamang niya sa survey sa mga kalaban niyang senior citizen na sa serbisyo-publiko.

-REGGEE BONOAN