KINASUHAN ni Aiko S. Melendez si incumbent Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng ng libel sa provincial fiscal Regional Trial Court (RTC) sa Olongapo City kahapon, kasama ang legal counsel niyang si Atty. Carl Bonifacio Alentajan.

59680529_790967297955170_3164248972722176000_n

Base sa panayam namin sa aktres kasama ang ilang katoto at bloggers, hindi na niya umano pinalampas ang pagdawit ni Vice Gov. Angelica sa kanya sa droga, dahil sa tanang buhay niya ay never siyang nasangkot dito.

“Kung anu-anong paninira na ang ginagawa sa akin, nand’yang tawagin akong kabit at may skin disease, at dinedma ko ‘yun kasi ang babaw saka nakakatawa lang.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“Pero itong sabihing sangkot ako sa droga, may mga sasakyang naglilibot sa Zambales na may led TV at sinasabing nasa narco-list ako, foul na ‘yun!

“Babae ako, ina at may mga anak at artista. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. May mga under negotiations ako for product endorsements kaya sabi ng manager ko, si Tito Boy (Abunda), hindi puwedeng manahimik lang ako.

“Saka uso ang (Oplan) Tokhang ngayon, paano kung may mangyari sa akin? Paano ang mga anak ko?

“Kaya talagang hindi ko na ito pinalampas, kailangang managot siya (Angelica) sa paninira niya sa akin,” mahabang paliwanag ng aktres.

Ang boyfriend ni Aiko na si Subic Mayor Jay Khonghun, na kumakandidatong bise gobernador ng Zambales, ay walang kinalaman sa isinampa niyang reklamo.

“Si Jay ang kalaban niya sa pulitika, bakit pati ako idinamay niya?” sabi pa ni Aiko.

Bukas naman ang pahinang ito para sa panig ni Vice Gov. Cheng.

-REGGEE BONOAN