KAMPEON sina Zyrex Requitillo at Ervil Villa sa katatapos na 2019 Sta. Maria Bulacan Summer Chess Rapid Tournament na ginanap sa Long Meadows Resort, Bowling and Sports Center, Barangay Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan nitong Sabado.

Nakakolekta si Requitillo ng six points para maghari sa 1900 and below tournament at maiuwi ang top prize P4,000 plus medal.

Magkasalo sina Christopher Megino at Joey Lapurga sa two-way tie sa second na may tig 5.0 points, subalit nakopo ni Megino ang runner-up honor dahil sa mas mataas na tie break points.

Ang one-day event ay nagsilbing punong abala ang Sta. Maria Chess Club sa gabay nina tournament director Mr. Normel De Jesus, Deputy Chief Arbiter NA Richard Dela Cruz at Deputy Tournament Director Mr. Victor “Bong” Anas na suportado ni engineer Norberto De Jesus.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Samantala, nagpakitang gilas din si journeyman Ervil Villa na nagkamada ng 5.0 points para masikwat ang titulo sa 2150 and below division at maibulsa ang P2,000 top purse.