Pansamantalang sinuspinde ngayong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA.

(kuha ni Jacqueline Hernandez)

(kuha ni Jacqueline Hernandez)

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na pansamantalang pinigil ang dry run dahil sa nakabimbin na pulong sa pagitan ng MMDA, Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved,” ani Garcia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit ni Garcia na ayaw ng MMDA na mapulitika ang nasabing polisiya, lalo na at nalalapit na ang halalan sa Lunes.

Nilinaw naman ni Garcia na mananatiling epektibo ang istriktong implementasyon ng “no loading and unloading” sa EDSA para sa mga bus na biyaheng probinsiya.

Ang provincial bus ban ay resulta ng MMC Regulation Number 19-002, na nagbabawi o nagkakansela sa business permits ng lahat ng mga provincial bus terminal sa EDSA, na inaprubahan ng mga alkalde ng Metro Manila nitong Marso.

-Bella Gamotea