Tinapos ni Jerwin Ancajas ang laban ng Japanese mandatory challenger na si Ryuichi Funai sa round seven upang mapanatili ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) sa California.

Itinigil ng referee na si Ed Collantes ang laban may isang segundo bago matapos ang seventh round sa payo ng ring doctor, na sumuri sa mga bugbog na natamo ni Funai.
Walang knockdowns, pero tatlong beses na nagmuntikan si Funai kay Ancajas sa ikaapat at ikaanim na rounds nang magpaulan ng matitinding suntok sa mukha ang Pinoy champ.
Ito ang ikapitong beses na idinepensa ni Ancajas ang kanyang IBF title, na napanalunan niya noong Setyembre 2016 sa Pilipinas.
Nick Giongco