Magsisimula ang obligatory fasting ng 1.2 bilyong Muslim sa buong mundo sa buwan ng Ramadan sa Lunes, Mayo 6, at matatapos sa Hunyo 4.

(Kuha ni KEITH BACONGCO, file)

(Kuha ni KEITH BACONGCO, file)

Tentative pa ang schedule dahil ang petsa ay nakadepende sa paglitaw ng moon of Ramadan 2019, ang ikasiyam na buwan sa 1140 Hijra (lunar) calendar, ayon sa Darul iftas (houses of Islamic opinions) sa Saudi Arabia at iba pang bahagi ng mundo.

Ang Ramadan fast ay isa sa limang pillars ng Islam. Obligado ito sa lahat ng adult Muslims sa ikalawang taon ng Hijri (migration from Makkah to Madinah of Muslims).

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Ang mga exempted ay ang mga bibiyahe, matanda, buntis, diabetic, may sakit, at nagpapasuso.

Samantala, ito ang ikatlong pinakamiserableng Ramadan para sa mga taga-Marawi.

Hindi maririnig ang azan (call to prayer) sa mga mosque, lalo na sa tinawag na “ground zero”.

Nananatili pa ring wasak ang siyudad dahil sa limang-buwang bakbakan ng tropa ng pamahalaan laban sa mga teroristang Maute ISIS noong 2017.

Ali G. Macabalang