DARWIN, Australia – Humirit din ang Team Philippines sa muay at sepak takraw sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2019 Arafura Games sa Darwin Convention Center dito.

Nakopo ni Ariel Lee Lampacan ang silver medal nang mabigi sa finals kontra Sakchai Chamchit ng Thailand, 30-27, sa senior male elite A 54-kilograms.

Masaya man, inamin ng 21-anyos na si Lampacan na nagkamali siya sa desisyon sa gitna ng laban na aniya’y sigurado n asana ang panalo.

“Kinapos lang at saka hindi ko nasunod ‘yung game plan namin. Na-pressure din ako,” sambit ni Lampacan. “Bawi na lang ako next time sa June sa World Championship. Pagbubutihin ko pa ‘yung training at hahasain ko pa ‘yung galaw ko.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakamit naman ni Jenelyn Olsim ang bronze medal sa women’s class, habang kinapos sina PH bet Phillip Delarmino at Ryan Jakiri sa kani-aknialng dibisyon sa torneo na bahagi ng qualifier para sa 2021 World Games.

Sa speak takraw, tumapos ng dalawang bronze ang PH Team mula sa men’s doubles team nina Dominic James Sagosoy, Aljon Yipon, at Jundy Puton kontra India, habang nagwagi ang women’s doubles team nina Allyssa Bandoy, Josefina Maat, at Aisa Sabellita kontra Sabah, Malaysia.

Nalaglag sa bronze medal match ang Pinoy nang matalo sa kanilang semifinal matches kontra University Putra Malaysia at Indonesia, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ginapi ni Jhon Christian Noces si Francis Mark Flordeliza ng Northern Territory via split decision para makausad sa semifinals ng men’s boxing welterweight class na nagsiguro ng bronze medal para sa delegasyon.

Natalo naman si Shera Mae Jacinto, tanging babae sa boxing team, kontra April Franks ng Victoria sa women’s flyweight quarterfinals.

Ginapi naman nina Hachaliah Gilbuena at Johnrel Amora ang Australia 10, 21-12, 21-13, para makausad sa round of 16 ng men’s beach volleyball tournament.