IPINAGDIRIWANG ng mundo ang World News Day ngayong linggo, ipinagdiriwang ng mga pahayagan sa buong mundo ang kahalagahan ng balita sa panahon na maraming maling impormasyon na banta sa kalayaan sa pamamahayag at demokrasya.
Ang selebrasyon nitong Mayo 2 ay bisperas ng anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng malayang pamamahayag sa kasalukuyan. Nakiisa ang mga pahayagan at professional news organizations sa mundo sa pagdiriwang na ipinahayag ang pangangailangan ng media na magpatuloy sa pagkakaroon ng kakaibang papel sa pag-uulat, at “in challenging the status quo, holding those in power to account, and in supporting freedom and democracy.”
Maliban sa malagim na panahon ng martial law noong ‘70s at ‘80s, maayos na ginampanan ng Philippine press ang misyon, inspirado at protektado ng Bill of Rights sa Philippine Constitution na nagkakaloob ng: “No law shall be passed abridging the freedom of the speech, of expression, or of the press…”
Ang Philippine media, kasama ang iba pang media, lalo na ang fast-growing on-line at social media networks, ay matibay na bahagi ng buhay bansa, iniuulat ang mga aktibidad ng mga komunidad sa bansa, kasama ng mga kaganapan sa labas ng bansa na nakaaapekto sa atin bilang magkakaugnay sa mundo.
Sa 10.2 milyong Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa mundo — nasa 10 ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na 108 milyon — ay bahagi ng world community, apektado ng sigalot sa imigrasyon sa United States sa development program ng China sa South China Sea at ang tumitinding bakbakan sa Libya.
Matagal nang nag-uulat ang Philippine press – ngunit aktibo ring sangkot sa – pulitika, ekonomiya at social affairs, gaya ng nagaganap na election campaign, kampanya kontra ilegal na droga, at maging ang umano’y planong pagpapatalsik sa matataas na opisyal sa gobyerno.
Patuloy ang Philippine press sa papel nitong maghatid ng balita na mahalaga sa mga ordinaryong mamamayan. Tinatama nito ang maling impormasyon sa tamang pag-uulat. At ipinaglalaban ang kalayaan sa pamamahayag, sa pakikiisa sa pandaigdigang selebrasyon ng World News Day.