Magniningning ang kalangitan sa Lunes at Martes, dahil uulan ng shooting stars.

Ito ang inihayag ngayong Sabado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sinabing taun-taong nasisilayan ang Eta Aquarid meteor shower bunsod na rin ng pagdaan ng Earth sa orbit ng kometa ng Halley dalawang beses kada taon.

Sinabi ng PAGASA na makikita ang mga bulalakaw sa Mayo 6-7 mula sa paglalabasan nito at iikot sa constellation ng Aquarius.

Sa abiso ng ahensiya, ang mga meteor shower ay nasa celestial equator, at posibleng masilayan ito ng mga southern hemisphere viewer.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa pag-aaral ng PAGASA, tinatayang aabot sa 20 o mas marami pang bulalakaw ang babagsak sa kalangitan bawat oras, bago magmadaling araw.

Ellalyn De Vera-Ruiz