AFTER more than 20 shooting days, pabalik na sa Pilipinas ang mga bida ng Hello, Love, Goodbye na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, dahil tapos na ang shooting nila sa Hong Kong.

Kathryn at Alden

Kapwa gumaganap na OFWs sa first team-up nila for Star Cinema, nag-last shooting day na sina Kath at Alden last Thursday, at inabot na raw sila ng umaga sa Hong Kong airport, gaya rin ng ibinalita ng mga fans na nanood sa shooting.

Bago n a t a p o s ang shooting, nakita sa video na hinayaan ni Direk Cathy Garcia-Molina na matupad ang wish ng mg a f a n s na makapagpa-sign ng autograph kina Alden at Kath, may nagpapirma sa cell phone, sa mga suot nilang T-shirts, at sa mga books at magazine nina Alden at Maine (Mendoza) , magazines. Dahil nga Team Abroad sila ng AlDub Nation, ngayon lang nagkaroon ng chance ang mga fans sa Hong Kong na makahingi ng autographs ng mga paborito nilang artista.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nakakatuwa rin na may mga naka-post nang fan-made videos ng movie, ang isa ay titled That’s My KathDen. Napansin namin na ang mga eksena ay kinuha sa mga movies nina Kathryn at Daniel Padilla, at sa mga scenes mula sa pelikulang Imagine You & Me at McDo TVC nina Alden at Maine, pero wala pang scenes ng Hello, Love, Goodbye.

In fairness sa gumawa ng video, iisipin mong sina Alden at Kath ang nagsasagutan sa eksena; mahusay ang editing na ginawa niya. May last words pang, “We all started as stranger, but we all end as stranger.”

Kaya ang tanong tuloy, malungkot ba ang finale ng movie, na isinulat ni Carmi Raymundo?

Sabi ay may two shooting days pa sina Alden at Kathryn pagbalik nila sa Pilipinas para matapos na ang movie. Paalis naman si Alden sa May 9, para sa Kapusong Pinoy Studio 7 “Musikalye Sa Brooklyn”, sa New York. Malamang pagbalik niya ang post-production ng movie, na balitang next month na ang showing.

-NORA V. CALDERON