Sususpendihin na ng National Water Resources Board ang pagpapatubig ng Angat Dam sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga simula sa Mayo 16 upang matipid ang patuloy na kumakaunting tubig sa reservoir.

Ang alokasyon para sa irigasyon ay kasalukuyang nasa 10 cubic meters per second (cms) o 864 million liters per day (MLD) mula sa 35 cms o 3,000 MLD nitong Abril.

Tiniyak naman ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na hindi maaapektuhan nito ang mga pananim, dahil malapit naman na ang anihan.

Samantala, nananatili pa rin sa 48 cms o 4,000 MLD ang alokasyon ng tubig para sa mga taga-Metro Manila.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pinawi rin ni David ang pangamba ng publiko na ang patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat ay magreresulta sa water crisis sa Metro Manila.

Batay sa rainfall projection ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGASA) sa pagitan ng Mayo at Hulyo, sinabi ni David na “we think that there is sufficient water for Metro Manila until the onset of the rainy season.”

Sinabi pa ni David na ikinokonsidera na ng NWRB ang pagsasagawa ng cloud seeding sa Angat watershed ngayong linggo, para magkaroon ng artipisyal na ulan.

Sa nasukat bandang 6:00 ng umaga ngayong Sabado, nasa 177.03 metro ang tubig sa Angat Dam, o mababa nang tatlong metro sa minimum operating level na 180 metro.

Ellalyn De Vera-Ruiz