INILARAWAN ni Japanese Ryuichi Funai si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas na malakas na kampeon pero nangakong tatalunin niya ang Pinoy boxer sa 12-round ng kanilang sagupaan sa Stockton Arena, Stockton, California sa United States.

“Ancajas is a strong champion but I’m prepared for my first world title fight,”pahayag ni Funai.

Naging mandatory challenger si Funai ni Ancajas nang patulugin niya si Mexican Victor Emmanuel Olivo sa 2nd round noong nakaraang Nobyembre 10 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Malaking bentahe para kay Ancajas na kakasa sa harapan ng maraming Filipino Americans sa Stockton sa kanyang ikaapat na sunod na laban sa Amerika kumpara kay Funai na ngayon pa lamang lalaban sa labas ng Japan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi katulad ng huling laban na nahirapan siyang kunin ang timbang sa 115 pounds division, nakatitiyak si Ancajas na magaang niyang makukuha ang timbang ngayon.

“It is an honor to fight in front of Filipino-Americans in a place where extreme economic and racial divide is still present and common. I’d like to show them a good fight,” sambit ni Ancajas.

May rekord si Ancajas na 30-1-2 na may 20 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Funai na may kartadang 31 panalo, 7 talo na may 22 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña