Hindi laging positibo ang dating kapag “nagmahal”, lalo na kung bilihin ang tinutukoy dito.

PRICES

Magtataas ng presyo ang de-latang sardinas, instant noodles, toyo, patis, at maging sabong panlaba, epektibo bukas, Mayo 4, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, nadagdagan ng P0.50 hanggang P1 ang kada lata ng local brands ng sardinas, kabilang ang Atami, Family, Master, Mega, at Mikado. Mas malaki naman ang taas-presyo sa imported brands, gaya ng Rosebowl at Saba, na pumalo sa P1.35-P1.70.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang taas-presyo ay bunsod ng pagmamahal ng halaga ng raw materials.

“‘Yung presyo pa rin ng tamban, hindi pa rin natin ‘yan nae-stabilize sa ngayon,” ani Castelo.

Kasabay nito, inaasahang madadagdagan din ng 20-45 sentimos ang kada pakete ng instant noodles.

Magtataas din ng 40-85 sentimos sa patis, toyom, at suka, habang 55 sentimos hanggang P2 naman sa taas-presyo sa asin.

Hindi rin napigilan ng DTI ang pagtataas ng 30 sentimos sa bath soap.

Sinabi pa ni Castelo na ang nasabing mga brand din ang mga naapektuhan sa ipinatupad na prize freeze noong nakaraang taon.

“Also, itong mga brands na magtataas na ito, ito ‘yung mga naiwan pa natin. Remember, we had a price hold-off until December last year,” paliwanag ni Castelo.

Ilalabas ng DTI bukas ang updated suggested retail price (SRP) list ng mga nasabing bilihin.

“If they can, refer to the suggested retail price issued by the DTI kasi ‘yun ‘yung guide nila para malaman nila talaga kung tama ‘yung presyong binibili nila sa merkado,” payo ni Castelo sa mga mamimili.

-Beth Camia at Bella Gamotea