Sa pagdating ng mga batang atleta sa ONE Championship stage, meron pang gustong mapatunayan si Rene “The Challenger” Catalan.
Para sa 40 anyos na nagtayo ng Catalan Fighting Sysytem, na ang edad ay pawing numero lamang.
“I know that there’s a huge advantage of being a young athlete, but I want to prove that at the end of the day, it still boils down to discipline,” sabi niya.
“I want to show to the public that age isn’t a hindrance. You can still reach your dreams by staying disciplined.”
Noong 2006 ay nanlo si Catalan ng Asian Games gold medal sa wushu para sa Pilipinas na naging dahilan upang pangalanan siya bilang Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association.
Meron din siyang hindi mabilang na titles sa sports na iyon kasama na ang maraming Wushu World Championships.
Sa ONE, napatunayan ni Catalan na isa siya sa pinakamagagaling nang makakuha siya ng anim na sunopd sunod na panalo matapos ang hindi magandang simula sa kanyang mixed martial arts career.
“Winning the World Title before this year ends would be the best thing that I can get for my 41st birthday. There would be no better gift for me,” paliwanag niya.
“I have dedicated most of my life to sports, and it has always been my dream to become a World Champion. That is why this early I’m already preparing, in case that opportunity comes.”
Ang pinakamalaking pangyayari sa buhay ni Catalan sa ONE ay nitong Marso lamang nang matalo niya ang dating titleholder na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: REIGN OF VALOR.
Ang panalong iyon ang nagdala sa kanya sa ONE Strawweight World Title radar, ang belt na pinanghahawakan ngayon ni Joshua “The Passion” Pacio.
Makaharap man niya si Pacio o hindi, nangangako si Catalan na gagalingan pa rin niya.
“I’ll do everything to become a World Champion and now that I’m near my goal, I am just going to keep going,” sabi niya. “I’ll do everything to prove I deserve that shot.”
-ONE Championship