Sapat pa ang imbak na tubig ng Pantabangan Dam para sa patubig ng libu-libong ektaryang pananim sa Central Luzon.

DAM

Ito ang pahayag ni National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) division manager, Ariel Domingo, matapos niotng pangunahan ang teknikal na pagsusuri sa Aulo Dam sa Palayan City at Atate Dam, kamakailan.

Wala aniyang dapat na ipangamba ang mga magsasaka sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bulacan at Bataan dahil kaya pa rin ng water reservoir na mapapatubigan ang kanilang sakahan sa susunod na cropping season.

Eleksyon

Bong Go, Bong Revilla, kinumpirma pag-endorso sa kanila ng INC

Tiniyak din nito na matatag pa rin at walang nakitaang bitak ang nasabing dam sa kabila ng naramdamang magnitude 6.1 na lindol sa Gitnang Luzon, kamakailan.

-Light A. Nolasco