INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government ng Western Visayas (DILG-6) sa San Jose De Buenavista, Antique, kamakailan ang “Enhanced Operation Listo” manual na sisiguro umano sa zero casualty sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Anthony Ian G. Andeleza, Local Government Operations Officer ng DILG-6, inilunsad ng ahensiya sa limang probinsiya ng ang manual, kabilang sa Eagle’s Hotel sa San Jose de Buenavista.

“We will be launching the Enhanced Operation Listo manual in Capiz next,” pahayag ni Andeleza, na tinalakay ang bagong kagamitan sa ilalim ng “Operation Listo”.

Ang paglulunsad, aniya ng manual sa buong rehiyon ng Western Visayas ay isang mahalagang hakbang pra sa mga local government units (LGUs) upang malaman ng mga mamamayan o nasasakupan ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“In the Enhanced Operation Listo manual it is now clear what the LGUs would do,” ani Andeleza.

Dagdag pa niya, ang “Operation Listo” manual ay orohinal na binuo noong 2015 kasama ang tatlong components o checklist para sa Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), Philippine National Police, at ang local chief executive ngunit “checklist have been consolidated so there will be one directive.”

Ang bagong manual na inilabas, aniya, ay mas pinagandang bersiyon na dahil sa naging mga karanasan ng mga miyembro ng ahensiya sa disaster preparedness kung saan pinamumunuan ito ng DILG.

Samantala, pagbabahagi pa ni Andeleza, bukod sa “Enhanced Operation Listo” manual na ipinamahagi nila sa mga LGUs, nagkakaloob din ang DILG ng mga kinakailangang pagsasanay para sa mga lakal na pamahalaan kung paano bubuo ng isang Climate Change Action Plan and Operational Readiness upang maging handa ang bawat LGU sa panahon ng pananalasa ng bago o kalamidad.

PNA