Graduate ng Ateneo de Manila University ang nanguna sa mga pumasa sa 2018 Bar examinations.

BAR

Mula sa 8,155 kumuha ng 2018 Bar exams, 1,800 ang pumasa, o may passing rate na 22.07%, batay sa resulta ng pagsusulit na inihayag ng Korte Suprema ngayong Biyernes.

Si Sean James B. Borja, ng Ateneo, ang Bar topnotcher sa nakuhang 89.3060 porsiyento.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kasunod niya sa top 10 sina Marcley Augustustus D. Natu-el, ng University of San Carlos (87.5300%), Mark Lawrence C. Badayos, ng University of San Carlos (85.8420%); Daniel John A. Fordan, ng Ateneo (85.4430%); Katrina Monica C. Gaw, ng Ateneo (85.4210%).

Pang-anim si Nadaine P. Tongco, ng University of the Philippines (85.0320%), kasunod sina Patricia O. Sevilla, ng UP (84.8590%); Kathrine T. Ting, ng De La Salle University-Manila (84.8570%); Jebb Lynus Q. Cane, ng University of San Carlos (84.8050%); at Alen Joel R. Pita, ng University of San Carlos, 84.6930%.

Jet Navarro-Hitosis