TUMAAS ang bilang ng suicide rate ng mga kabataan sa Amerika sa mga nakalipas na buwan, makaraang ipalabas ang kontrobersyal na Netflix drama na 13 Reasons Why, na tungkol sa istorya ng isang high school girl na nagpatiwakal, natuklasan sa bagong pag-aaral.

13 REASONS

Ang series ay dati nang kinuwestiyon ng mga health at education professionals, nang ipalabas noong March 2017dahil sa ang content nito ay potensyal na delikado o mapaminsala para sa vulnerable na tao, gaya ng mga kabataan.

Ayon sa bagong pag-aaral, tinatayang 195 suicide deaths ang naganap -- 29 percent na mataas – na kinasangkutan ng mga kabataang edad 10 hanggang 17, siyam na buwan makaraang ipalabas ang naturang serye, ayon sa mga mananaliksik.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang bilang ng suicide death ng kaparehas na age category "increased significantly" sa buwan ng pagpapalabas ng serye, ayon sa pag-aaral, na inilathala sa Journal of the American Academy of Child and Adolescent Psychiatry.

Karamihan sa karagdagang pagkamatay ay kinasangkutan ng mga kalalakihan.

Gayunman, hindi pa natutukoy ng mga mananaliksik ang relasyon o ugnayan ng panonood ng serye at ng pagtaas ng bilang ng pagpapatiwakal, at binanggit nilang maaaring may ibang dahilan sa suicide deaths.

Inihayag naman ng awtor ng report, si Jeffrey Bridge, na pinangunahan ang research team ng Nationwide Children's Hospital sa Ohio, sa AFP na ipinakita sa Netflix drama ang pagpapatiwakal ng pangunahing karakter “in a sensationalized manner”.

"It is very concerning that a graphic depiction of the method of Hannah's suicide was shown, which can be traumatic for survivors of suicide loss or suicide attempt and also provides a particular pathway for suicide in some cases," aniya.

"The results of this study confirmed concerns about how the series disregarded best practice guidelines for depicting suicide in the media."

Inalisa ng mga mananaliksik ang national suicide statistics mula January 2013 hanggang December 2017, “allowing for seasonal effects and an underlying increasing trend in monthly suicide rates”.

Walang nakitang malaking pagbabago sa level o trend ng suicide ng mga taong edad 18 hanggang 64.

Sa nakaraang pag-aaral, nasabing 19 percent ang itinaas ng internet searches patungkol sa pagpapakamatay, ilang araw makaraang ipalabas ang 13 Reasons Why.

Pahayag naman ng Netflix, na nag-renew ng drama para sa ikatlong season, na “(it was) looking into the research".

"This is a critically important topic and we have worked hard to ensure that we handle this sensitive issue responsibly," lahad ng Netflix spokesperson.

-Agence France-Presse