SA isang exclusive interview kay Miles Ocampo, nabanggit ng Kapami lya ac t r e s s na nagdalawang-isip siya kung tatanggapin niya ang role ng isang teenager na na-possess ng demonyo sa pelikulang Maledicto.

Miles copy

“Sobrang nagdalawang-isip ako na tanggapin ang project, dahil nga exorcism siya,” pag-amin ni Miles.

Bukod dito, natakot daw si Miles kung kaya niyang gampanan ang character niya sa movie bilang Agnes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“And nakakatakot dahil hindi ko alam kung mabibigyan ko ba ng justice. Pero I’ve been wanting to do something out of my comfort zone and feeling ko eto ‘yung magandang project for me since na-possess siya, nasapian siya. Nabigyan ako ng chance na ma-express lahat ng emotions ko.

“Nakakapagod siya physically, emotionally, mentally, and spiritually,” kuwento pa ni Miles.

Gayunman, malaking tulong daw ang role ni Miles sa Maledicto ito sa pagiging aktres niya.

“Iba ‘yung naging tulong sa akin as an actor kasi nalaro ko siya. Kasi nasanay kayo sa akin na nasa sitcom or sweet-sweet lang.”

Ito rin daw ang most challenging role ni Miles kaya excited siya.

Hindi um-attend ng immersions at workshops si Miles bilang paghahanda sa role niya bilang isang teenager na nasapian. Pero malaking tulong daw ang pag-guide sa kanya ng director ng Maledicto na si Mark Meily.

“It’s the help of Direk Mark, tinulungan niya ako mag-level 7 muna bago mag-level 10,” sabi ni Miles, sinabing pakiramdam niya ay super blessed siya na kasama siya sa unang pelikula ng Fox Philippines.

-Ador V. Saluta