SA isang episode ng Magandang Buhay kamakailan, sinagot ni Korina Sanchez-Roxas ang mga negatibong isyu kaugnay ng pagkakaroon niya ng kambal sa pamamagitan ng surrogacy, at sa pagiging first-time mom niya despite her golden age.

Korina copy

“To say that it is a handicap that I’m in my 50s—and [if] this age is a handicap, parang tinitingnan mo ‘yung baso ng half-empty instead of half full,” sabi ni Korina.

“I think [what is important] is the quality of time we give them,” aniya, tinukoy ang asawang si Mar Roxas.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Ayon kay Korina, bilang first time mom ay todo ang kanyang paghahanda bago pa man ipanganak sina Pepe at Pilar.

“Kaya alam mo bago ito, todo pa-check up ako. Even long before that, talagang ‘yung fitness and ‘yung health [ko] chineck ko lahat ‘yan. Ibig kong sabihin, handa ako,” paliwanag ni Korina, sinabing gusto niyang mabuhay ng hanggang 100 years old kasama ang kanyang asawa at ang kanilang mga anak.

Samantala, sa parehong episode din ng morning talk show ay sinabi ni Korina na maaaring tanggap na ng maraming tao ang paraan ng “surrogacy”, o ang legal na paraan ng pagdadalantao ng isang babae para sa magiging anak ng iba.

“Time has changed people’s minds about this (surrogacy). In fact, nung mga panahon na ‘yon, ang sabi ng mga kaibigan ko, ‘Korina, ang bata ay bata, ‘pag lumabas na ang sanggol, sino pa ang magnenega diyan?

“Ang punu’t dulo niyan ay ang pagmamahal. So who can go against love and life?” ani Korina.

Aniya, wala sa kanyang mga mga followers sa Instagram ang nagtanong o nagbigay ng negatibong k ome n t o t u n g k o l s a surrogacy.

“I think informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila, tanggap na nila ‘yung ganyang klase,” dagdag pa ng Rated K host.

-ADOR V. SALUTA