HALOS tatlong taon pa lang sa showbiz si Edward Barber, simula nu’ng sumali siya sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 taong 2016, kung saan nakasama niya ang ka-love team niya ngayon na si Maymay Entrata, pero ang galing-galing na niyang magsalita ng Tagalog.

Ito ang napansin ng lahat na dumalo sa Ang Hiwaga ng Kambat media day nitong Martes.

Puring-puri ng mga katoto ang binata dahil napaka-sincere niyang magpaliwanag, at pag-amin sa lahat ng nararamdaman niya.

“Sana hindi magbago ng ugali si Edward kapag sumikat na siya nang husto,” sambit naming lahat habang nagpapaliwanag ang aktor tungkol sa tunay na relasyon nila ni Maymay.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Diretsong sinabi ni Edward na mahirap ang kinalalagyan nila sa showbiz dahil nga magka-love team sila ni Maymay. Kuwento niya, maraming nagsasabing gawin na nilang totohanan ang love team nila dahil makatutulong lalo ito sa career nila pareho.

“I mean it from the bottom of my heart, this world is so crazy! I don’t mean living here in the Philippines. I mean, this industry is so crazy.

“If there is one thing I learned sa Bahay ni Kuya is to take things slow. So discover lang as we go along, don’t rush into things, don’t dive in because you might not get out.

“I don’t wanna think too much kasi ang daming (may sabing), ‘You guys are a love team, you get together na dapat. Nakakakilig ‘yun. Do’n nanggagaling yung pera, bro, promise!’

“Hindi naman ganun, eh. The best things in the world, the best things you should love, are things that you gain slowly,” pangangatwiran ng binata.

“We know naman very well, from people we see in this industry and outside, from their own experience, eh, mas maganda talaga ‘pag nagsisimula bilang kaibigan, eh.

“That’s when you know people directly, straight to the core. ‘Pag relationship, you don’t have to be very experienced to know this.

“Of course, you show your best self to them, ‘tapos unti-unti lumalabas ‘yung flaws, ‘yung mga perks na hindi mo pa alam. So, start from friendship, and we go from there.”

Sa madaling salita, ayaw madaliin ni Edward ang lahat, dahil naniniwala pa rin siya sa slowly but surely.

Samantala, naikuwento rin ni Maymay na sobrang nagpapasalamat sa kanya si Edward dahil mula sa loob ng Bahay ni Kuya hanggang sa lumabas na sila ay appreciated lahat ng aktor ang mga nagawa niya.

“Sobrang thankful din po ako na may nakilala akong Edward Barber,” kinikilig na sabi ni Maymay.

Kaya natanong si Edward kung talagang ugali niya ito na konting bagay ay ina-appreciate niya.

“ T o myself, I don’t think I’m so appreciative enough naman, it sounds so showbiz, pero long story short especially in this industry lalo na kung sunud-sunod ang trabaho mo. I believe life is a big mess, so enjoy ‘yung moments mo kung sino nagpapasaya sa ‘yo, take care of them, appreciate them,” magandang paliwanag ng binata.

Natanong naman si Maymay kung ano ang nararamdaman niya kay Edward.

“Feeling ko, ang ganda-ganda ko po dahil hanggang ngayon po ay nililigawan po ang family ko. At saka mas mabuti po talaga ‘pag mas kilalanin n’yo po ang isa’t isa, hindi pa po talaga time,” pa-girl na sagot ng dalaga.

Halatang gusto nina Edward at Maymay ang isa’t isa pero mas nanaig ang priority nila, ang kani-kanilang career at pamilya. Kaya naman ang love life nila ay isasantabi muna.

“Dahil ‘yung totoong magiging official na, darating po ‘yun sa tamang panahon, kapag stable na po ang lahat,” sabi ni Maymay.

“Ang damdamin ko po kay Dodong (Edward) ay sobrang feeling thankful po ako na dumating siya sa buhay ko. Dahil po siya ‘yung lalaki na consistent po talaga na kapag may gusto siya sa isang babae, kapag sinabi niya ‘hihintayin kita, hihintayin kita’.”

Anyway, ang Ang Hiwaga ng Kambat ay tungkol sa nagkalayong kambal na may lihim sa kanilang pagkatao, sina Iking (Edward) at Mateo (Grae Fernandez).

Isinilang na mukhang paniki si Iking, samantalang normal at lumaki sa marangyang pamumuhay si Mateo. Ang kanilang pagkakaiba ang dahilan ng malalim nilang hidwaan, dahil sa paulit-ulit na panlalait ni Mateo kay Iking. Pero liliit ang kanilang mundo sa pagkakataong malaman nila ang sekretong babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Maganda ang simula ng Ang Hiwaga ng Kambat nitong Abril 21, dahil nakakuha ito ng 24.4% sa national TV base sa datos ng Kantar Media. Taob ulit ang katapat na show sa pagpapatuloy ng programa noong Linggo (Abril 28) dahil kumabig ito ng 22.7% kumpara sa GMA program na 14%.

Umani rin ito ng sari-saring papuri online mula sa netizens na hindi napigilan ang pagkasabik sa bawat eksena ng fantaserye.

Sa pagpapatuloy ng Ang Hiwaga ng Kambat sa Linggo (Mayo 5) ay muling magtatapat sina Iking at Mateo at sa pagkakataong ito, magpapagalingan sila sa arnis. Magugulat si Mateo sa husay ni Iking sa kabila ng pagiging bulag nito at maghahamon pa ng rematch. Pero bago pa man matapos ang laban nila, tatakas si Iking sa takot na makita siya ng kaaway na magpalit-anyo bilang paniki.

Mabisto na nga kaya ni Mateo ang lihim ni Iking?

Panoorin ang Ang Hiwaga ng Kambat bago mag-Idol Philippines tuwing Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, pumunta lang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

-REGGEE BONOAN