MAGANDA ang dahilan ng ever beautiful actress na si Dawn Zulueta kung bakit ayaw niyang gumawa ng teleserye.

Dawn at Bitoy copy

Nakausap namin siya sa shooting ng bago niyang movie, ang Family History, a co-production venture ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc., na pag-aari ng mag-asawang Michael V. at Carol Bunagan.

Si Bitoy ang katambal ni Dawn sa pelikula, na isinulat at idinidirek din ng Bubble Gang mainstay.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Inamin ni Dawn na two or three years ago pa niya napagdesisyunan na huwag na munang gumawa ng teleserye, dahil napi-picture na niyang magiging teenager na ang panganay niyang anak na lalaki. Ten years old na ang second child nila ni Congressman Anton Lagdameo.

“Inisip ko na noon pa na dapat ay kasama na ako ng mga anak ko ngayong magbibinata na sila,” lahad ni Dawn. Ibig sabihin noon, mas maraming oras ang kailangan na kasama nila ako, hindi lamang quality time, quantity time din.

“Kaya hindi puwedeng may teleserye ako na hindi ko alam kung anong oras akong makakauwi ng bahay. Mauubos talaga ang oras mo kapag may teleserye ka. Parang wala ka nang buhay; hindi ka puwedeng magkasakit, hindi ka puwedeng magbakasyon, hindi mo alam kung hanggang kailan ganoon ang schedule mo.

“Hindi naman sa talagang ayaw kong magteleserye, pero kung wala namang magandang offer, mas mabuti pang harapin ko na lang ang mga anak ko. Sorry, pero iyong mga soap na ino-offer sa akin lately, hindi naman ako nae-excite.”

Pero hindi niya tinanggihan si Michael V nang i-offer itong Family History, ang directorial debut ni Bitoy na nagustuhan niya ang concept.

“Matagal na kaming magkakilala ni Bitoy, pero this is our first time na magtatambal kami.

“Since movie naman ito, hindi ganoon katagal ang shooting namin. Gaganap kaming mag-asawa pero magkakahiwalay. Hindi pa namin puwedeng sabihin ang story, pero ito ang isang dramedy with a twist. Iyong last two shooting days namin doon na malalaman kung ano ang twist.”

Ano ang nakita niya kay Bitoy habang nagdidirek ng story, na ito rin ang sumulat at bida pa? “Alam nating comedian si Bitoy, pero he’s very sensitive pala. Minsan, nakikita ko na lang na umiiyak na siya. He’s an artist, an actor. Malalaman ninyo ang sinabi ko kapag napanood na ninyo ang movie namin.”

May tentative schedule of showing sila sa June 2019. This week ay matatapos na ang shooting nila, at simula na ang promotion nila sa Sunday, May 4, sa Sunday PinaSaya.

Kasama rin sa movie ang BiGuel love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

-NORA V. CALDERON