MUKHA namang nagsasabi ng totoo si Bianca Umali na walang nabago sa relasyon nila ni Miguel Tanfelix kahit pa nabalitang nag-break na sila, na pareho nilang hindi inamin, dahil hindi rin naman nila kinumpirma kung naging sila talaga, at kung totoong may bago nang pag-ibig ang young actress.

Bianca Umali copy

Kaya namin nasabi ‘yun dahil friends pa rin sila, at tuloy pa rin ang tambalan nila sa telebisyon at pelikula.

Sina Bianca at Miguel ang magkapareha sa primetime series ng GMA-7 na Sahaya, na napapanood ngayon, gayung puwede naman silang tumanggi. Sila rin ang pinagtatambal sa Sunday PinaSaya at sa iba nilang TV guesting sa network.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa pelikula, sila rin ang magkapareha at sila ang mapapanood sa APT Films na Banal, na showing sa May 29. Horror ang pelikula, sa direksiyon ni Jay Tadena.

Showing naman sa June or sa July ang Family History, ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment. Magkasunod ang showing ng dalawang pelikula pero magkaiba ang tema, kaya hindi pagsasawaan ang BiGuel love team.

Kaya rin namin nasabing walang nabago sa relasyon ng dalawa, dahil close pa rin sila; nagtatawanan, nag-uusap at nagse-share ng private jokes na sila lang ang nakakaalam. Alalay na pang-jowa rin ang nakita namin kay Miguel nang alalayan si Bianca na that time, hindi maayos ang lakad dahil sumasakit ang balakang.

“Wala namang dapat mabago sa amin ni Miguel dahil bata pa kami, magkasama na kaming nagtatrabaho. Mas naging deeper pa nga ang friendship namin ngayon dahil older na kami at mas mature na. Mas professional na rin kami when it comes to our work at mas ine-enjoy namin ang friendship at love team namin,” sabi ni Bianca.

Anyway, naikuwento ni Bianca na sobra siyang humanga kay Michael V sa rami ng trabaho nito sa Family History. Director/scriptwriter/producer/lead actor sa nabanggit na pelikula si Bitoy, at maayos nitong nagagampanan ang apat na trabaho.

Ang misis naman ni Michael V ay producer din at madalas present sa shooting, at nakikita ni Bianca kung paano magtrabaho ang mag-asawa.

“Ang sarap nilang panooring dalawa na nagtutulong para mapaganda ang Family History, at ‘yung thought na sa bagong journey ni Kuya Bitoy, kasama niya ang wife niya,” ani Bianca.

“Excited ako to work with Kuya Bitoy, iba ang ginagawa niya rito sa Bubble Gang at Pepito Manaloto. Sa movie, he has three important roles and watching him work, nakaka-amaze,” dagdag pa ni Bianca.

Para naman sa sumusubaybay kay Bianca sa Sahaya, may nabanggit siyang magiging twist ng kanyang karakter na si Sahaya. Magkakaroon daw ng transformation ang karakter niya sa mga susunod na episode. Kung anong klaseng transformation, panoorin na raw natin.

Ngiti lang naman ang sagot ni Bianca sa kantyaw ng mga reporter na sa kaseksihan niya, maliit na waistline, boobie and a beautiful face, puwede siyang mag-cover sa FHM. Ang tanong, sino kina Miguel at sa nali-link sa kanyang si Ruru Madrid ang pipigil kay Bianca na mag-cover sa men’s magazine?

-NITZ MIRALLES