SENTRO ng usapin ngayon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang karate, chess, basketball at mixed martial arts sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Magbibigay ng updates at programa sa karate si three-time Southeast Asian Games gold medalist and Binibining Pilipinas 2002 contestant Gretchen Malalad.

Nakatakda ang programa ganap na 10:00 ng umaga.

Inaasahang, bibigyan ng linaw ni Malalad ang mga isyu na bumalot sa Philippine Karatedo Federation (PKF) matapos siyang mahalal bilang bagong pangulo nitong Feb. 17.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 39-anyos na pambato ng Boac, Marinduque ay nagwagi ng gintong medalya sa SEA Games noong 2001, 2003 at 2005 at bronze medal winner sa Asian Games sa Busan noong 2002.

Makakasama ni Malalad sa sports forum na mapapanood sa Facebook live via Glitter Livestream sina karate coach Reiner de Leon, World Chess Olympiad veteran WNM Christy Lamiel Bernales, NM Marc Christian Nazario at organizer Christian Anthony Flores; gayundin sina mixed martial arts officials Burn Soriano at Lawrence Canavan ng Cage Gladiator at Community Basketball Association (CBA) operations director Robert de la Rosa.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at niyembro, gayundin ang sports community na makiisa sa talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.