Nasawi ang isang lalaking Grade 11 student nang malunod habang nakikisaya sa Pistay Dayat (sea festival), kasama ang mga kaibigan nito, sa Lingayen, Pangasinan, nitong Miyerkules ng hapon.

SEA FEST TRAGEDY(21)

Sa ulat ng pulisya, nagtungo si Sagaoinit sa Lingayen Beach sa Bgy. Maniboc, kasama ang kanyang mga kaibigan upang makisaya sa piyesta, dakong 2:00 ng hapon.

Dahil excited, agad umanong tumalon sa dagat si Sagaoinit ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang mga kasamahan ay nalulunod na ito habang tinatangkang humawak sa bangka, dulot ng malakas na alon.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Matapos angY dalawang oras, natagpuan ng mga rescue team ang bangkay ni Sagaoinit.

-Liezle Basa Iñigo