PATULOY na nakatatanggap ng libreng pagsasanay bilang mga iskolar ng gobyerno ang mga maliliit na minero, na napilitang huminto sa kanilang aktibidad dahil sa malaking landslide sa minahan sa Itogon, Benguet noong pananalasa ng Bagyong Ompong nang nakaraang taon, ayon sa Technical Education and Skills Development Authority in the Cordillera Administrative Region (TESDA-CAR).

Sa pagbabahagi ni TESDA-CAR officer-in-charge Engr. Manuel Wong, inalok ang mga minero ng skills training at scholarship upang magkaroon ang mga ito ng ibang pagkakakitaan matapos ang pananalasa ng bagyo noong Setyembre 15, 2018.

“We made sure that TESDA contrived a quick response and that we conducted skills training like masonry, carpentry, and customer relations,” ani Wong.

Sa ilalim ng Bangon Itogon program ng TESDA, 300 slots para sa mga initial enrollees ang binuksan na libreng makukuha.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Inialok ang scholarship sa mga minero o miyembro ng pamilya na maaaring magamit ang natutunan para sa paghahanap ng trabaho at kabuhayan ng pamilya. Naglaan ang TESDA ng P3 milyong pondo para sa scholarship na ginamit upang makabili ng mga materyales na kailangan ng mga mag-aaral at probisyon para sa P160 kada araw na training allowance.

Ayon kay Wong may 279 na kumuha ng scholarship, habang 268 sa mga ito ang nakapagtapos na at nakakuha na ng sertipikasyon.

“We provided them allowance to at least help them get through day by day during their training,” saad ni Wong.

Kabilang sa mga pagsasanay na inalok ng TESDA ang Shield Metal Arc Welding (SMAW) National Certificate (NC) l, Masonry NC ll, Carpentry NC ll, Enterprise Information Management (EIM) NC ll, at Basic Customer Services.

“Hopefully with their new skills, they would find jobs other than small scale mining. There are also others who were already employed with their newly learned skills,” pagbabahagi pa ni Wong.

Aniya, patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta at prayoridad sa mga residente ng Itogon sa mga scholarship programs bilang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga biktima.

PNA