SUMANDIG ang San Juan sa matikas na free throws sa krusyal na sandali para magapi ang Caloocan, 95-93, nitong Linggo sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders Cup sa San Juan Gym.

Kipkip ang kumpiyansa matapos tanghaling kampeon sa nakalipas na Maharlika Pilipinas Basketball League, humarurot ang Knights sa 87-79 bentahe may 4:08 ang nalalabi sa final period.

Ngunit, nakabangon ang Saints at nagawang tapyasin ang kalamangan sa 91-89 patungo sa sa huling 45 segundo ng laro.

Sumandig ang San Juan sa free throws nina Noah Lugo at Joshua Saret para selyuhan ang ikaapat na sunod na panalo ng San Juan sa torneo na nakatuon sa mga players sa mga komunidad.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hataw si Saret sa naiskor na 24 puntos, pitong rebounds, anim na assists, at dalawang steals para sa Knights.

Nag-ambag si Christian Buñag na may 16 puntos at 12 rebounds.

Nanguna si Palencia sa Saints sa nakubrang 25 puntos.

Sa unang laro, ginapi ng Parañaque ang Marikina, 87-75.

Hataw si Pao Castro sa naiskor na 15 puntos, dalawang rebounds, at dalawang assists para sa Serbisyo.

N a g - a m b a g s i D w i g h t Saguiguit ng 14 puntos at dalawang rebounds, habang kumana si Felix Apreku ng 12 puntos, at 11 rebounds.

Humirit si Jay-Ar Ng Sang ng 15 puntos at 11 rebounds para sa Sapateros. Ernest Hernandez

Iskor:

(Unang Laro)

Parañaque (87)-Castro 15, Saguiguit 14, Apreku 12, Almajeda 9, Coronel 8, Lucente 7, Amboludto 6, Begaso 6, Rabe 4, Mangalino 2, Lalata 2, Prado 0

Marikina (75) -Ng Sang 15, Ramos 13, De Guzman 11, Amansec 10, Limin 5, Tarucan 4, Guzman 3, Santos 3, Girado 3, Testado 2, Diamante 0, Campos 0, Peñaflorida 0

Quarterscores: 24-17, 49-29, 66-53, 87-75

(Ikalawang Laro)

San Juan (95) -Saret 24, Buñag 16, Marquez 13, Clarito 8, Aguirre 7, Acol 7, Bonifacio 6, Reyes 6, Lugo 5, Ubalde 2, Garcia 1, Astrero 0, Rosopa 0

Caloocan (93) -Palencia 25, Hallare 18, Fontanilla 15, Lunor 13, Tiquia 8, Manacho 7, Fuentes 3, Decano 2, Pagtacunan 2, Santos 0, Sombero 0, Principe 0, Peñaredondo 0

Quarterscores: 21-15, 46-38, 70-66, 95-93