LUMAGDA ng kontrata bilang boksingero ni Top Rank big boss Bob Arum, unang babawian ni dating WBA at IBF bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom ang kababayan ng nagpalasap ng unang pagkatalo sa kanya na si Nonito Donaire, Jr. na si OPBF Silver featherweight tilist Jelbirt Gomera.

Aakyat ng timbang si Burnett at nangakong patutulugin si Gomera para maangkin ang bakanteng WBC International title sa kanilang sagupaan sa Mayo 17 sa Ulster Hall, Belfast, Scotland.

Ngunit hindi pipitsuging boksingero asng 25-anyos at tubong Sultan Kudarat na si Gomera na ang huling talo ay kay WBA featherweight champion Can Xu via 7th round TKO noong Hulyo 27, 2018 sa Qingdao, China.

Bago natalo kay Xu, pinatulog ni Gomera sa 5th round si Venezuelan Omrri Bolivar para maangkin ang bakanteng OPBF Silver featherweight belt. Sa kanyang huling laban, tinalo ni Gomera si Lloyd Jardeliza sa puntos para maisuot ang LuzProBa featherweight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natalo si Burnett kay Donaire via 4th round stoppage nang magkaroon ito ng pinsala sa likurang bahagi ng katawan sa quarterfinals ng kanilang World Boxing Super Series bout noong nakaraang Nobyembre 3 sa Glasgow, Scotland.

May kartada si Burnett na 19 panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Gomera na may 14-5-0 na may 7 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña