DARWIN, Australia – Lumobo sa kabuuang 28 gintong medalya – lagpas sa nakamit sa 2011 edition – ang nahakot ng Team Philippines matapos ang napagwagihang 10 nitong Lunes sa 2019 Arafura Games.
Pitong ginto ang kaloob ng swimming team, habang tatlo sa athletics para lagpasan ang 27 gintong medalya na naiuwi ng delegasyon sa huling pagsabak dito noong 2011.
Nakamit ni Zoemarie Hilario ang panalo sa women’s 15 to 16 year old 200m individual medley at 200m backstroke, habang nangibabaw si Ray Martin Yarra sa men’s 13 to 14 year old 200m butterfly, John Martin Yarra topped the men’s 17 and over 200m butterfly, Samuel John Alcos ruled the men’s 17 year old above 50m backstroke, at John Paul Elises sa men’s 15 to 16 year old 200m butterfly.
Sa athletics, nakuha nina Romel Bautista ang panalo sa 400m hurdles, habang nangibabaw ang men’s at women’s 4x400m relay team.