Tinatayang aabot sa P100 milyong halaga ng umano’y cocaine ang natagpuang ng isang mangingisda sa bahagi ng baybayin ng Lingig, Surigao del Norte, nitong Martes ng gabi.

COCAINE(21)

Sa report na natanggap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing 16 bloke ng iligal na droga na tinatayang nasa 20 kilo ay natagpuan ng mangingisdang si Jolan Basadre, 25, na lumulutang sa coastal area ng Barangay Talige at Handamayan sa nabanggit na bayan, dakong 9:00 ng gabi.

Ayon sa ulat, ang nasabing illegal drugs ay agad na isinuko ni Basadre sa Lingig Municipal Police Headquarters.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Sinabi pa ng PDEA na nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard at Philippine National Police upang makapagsagawa ng operasyon sa lugar para sa posibleng ikasamsam pa ng kahalintulad na iligal na droga.

-JUN FABON at FER TABOY