NAKAKABILIB ang acting ni Max Collins sa GMA Afternoon Prime drama series na Bihag, kung saan gumaganap siya bilang si Jessie, isang ina na nawala ang anak.

Max & Pancho copy

Hindi pa nila alam ng asawa niya (Jason Abalos) kung sino ang kumuha kay Ethan (Rafael Landicho), hanggang sa dumating ang balita na patay na raw ang bata. Binuhusan ng asido ang paslit kaya hindi nila malaman kung ang anak nga nila ang bangkay, pero sa examination na ginawa, tinutukoy nga na si Ethan ang nasawi.

“Ang hirap po talagang umarte bilang isang mom na ganoon ang pinagdaanan sa nawawala niyang anak,” pag-amin ni Max.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“Wala pa po kasi kaming anak ni Pancho (Magno, her husband), kaya nagde-depend po ako sa character ko sa script. Saka thankful ako sa husay ng support ko sa cast; si Jason Abalos as my husband, si Sophie Albert na best friend ko kunwari, si Mark Herras, na siyang may hawak ng kaso ng anak ko. Si Neil Ryan Sese, na siya kong pinagbibintangang kumuha at pumatay sa anak ko, at si Ms. Glenda Garcia na mother-in-law ko na ayaw na ayaw sa akin.”

Maraming mahihirap na eksenang ginagawa si Max, na madalas ay crying scene, pero kayang-kaya naman niya. Serious actress kasi si Max at last year, sunud-sunod ang acting awards na natanggap niya, kaya every time ay challenge sa kanya ang character na ginagampanan niya. Si Max din ang isa sa mga aktres na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya, lalo na kung challenging ang character na gagampanan niya.

Kaya ang tanong, kailan naman nila planong magka-baby ni Pancho?

“Siguro po ay next year na, kasi ito nga may Bihag ako at si Pancho, magsisimula pa lang ng bago niyang soap, ang Nang Dahil Sa Pag-ibig with Sanya Lopez.

“Basta ang plano po namin ni Pancho magta-travel muna kami after ng soap niya. Gusto po muna naming mamasyal as a honeymoon treat namin sa isa’t isa, dahil two years na kaming married sa December, hindi pa kami nakapag-honeymoon.

“Gusto po muna naming pumunta ng Portugal, Spain, Italy, Russia. Sana po sa iba pang European countries makapasyal pa kami bago ako maging preggy,” sabi ni Max.

Ang Bihag, na idinidirek ni Neal del Rosario, ay napapanood araw-araw after ng Dragon Lady.

-NORA V. CALDERON