ANG namayapang aktor na si Kristofer King ang nanalong Best Actor sa katatapos na Asian International Film Festival & Awards (AIFFA) 2019, na ginanap sa Kuching, Malaysia, nitong April 27.
Nanalo si Kristofer sa AIFFA para sa kanyang markadong pagganap sa pelikulang Kristo.
Nakakapanghinayang na hindi na naabutan ng indie actor ang kanyang international acting award, dahil pumanaw na siya noong February 23, 2019 dahil sa kumplikasyon ng iniinda niyang diabetes.
Ang direktor ng Kristo na si Howard Yambao ang tumanggap ng trophy on Kristofer’s behalf.
Nagsimulang makilala a t mamayagpag ang c a r e e r n i Kristofer sa mga indie films, gaya ng Masahista—na pinagbidahan ni Coco Martin—Foster Child, Tirador, at Serbis, na pawang idinirek ni Brillante Mendoza.
Bukod kay Kristofer, ilang Pinoy din ang nanalo sa AIFFA 2019, kabilang si Barbara Miguel, na Best Supporting Actress para sa 1-2-3; at ang Signal Rock ni Chito Roño, na ginawaran ng Best Picture award.
Ten ASEAN countries ang sumali sa Asian International Film Festival & Awards (AIFFA 2019), na ginaganap every three years sa Malaysia.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa AIFFA 2019:
Best Film Editing: Ave Maryam (Indonesia)
Best Director of Photography: Na Gyi (Myanmar)
Best Screenplay: Song Lang (Vietnam)
Special Jury Award: Bad Genius (Thailand)
Best Supporting Actress: Barbara Miguel, 1-2-3 (Philippines)
Best Actress: Raihaanun, 27 Steps of May (Indonesia)
Best Supporting Actor: Amerul Affendi, Crossroads: One Two Jaga (Malaysia)
Best Actor: Kristoffer King, Kristo (Philippines)
Best Director: Nam Ron, Crossroads: One Two Jaga (Malaysia)
Best Film: Signal Rock (Philippines)
AIFFA 2019 Luminary Award: Steven Seagal
-ADOR V. SALUTA