Nakararanas ngayon ng malawakang kaso ng diarrhea sa Pangasinan, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

DIARRHEA(3)

Paliwanag ni Rhodalia Binay-an, nakatalagang nurse ng PHO, bunsod umano ito ng nararanasang matinding init ng panahon.

Aniya, aabot sa 36 porsiyento ang itinaas ng kaso ng pagsusuka at pagdudumi matapos nitong tamaan ang 3,560 residente.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nakababahala rin aniya ang paglobo ng nasabing kaso ngayong taon dahil aabot lamang sa 2,592 indibidwal ang naapektuhan nito, mula Enero 22 hanggang Abril, noong nakaraang taon.

“Mas marami ngayong taon kasi mas mainit ang panahon ngayong 2019 kaysa noong nakaraang taon na mabilis na nagdudulot ng pagkapanis ng pagkain,” sabi nito nang dumalo sa isang programa ng Philippine Information Agency (PIA)-Pangasinan, nitong Martes.

Karamihan aniya sa mga tinatamaan ng nasabing waterborne disease ay mga bata.

Nakakuha aniya ang nasabing sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng kontaminado o maruming tubig.

-Liezle Basa Iñigo