Idineklara ngayong Miyerkules ng pamahalaan ang Alert Level 4 o mandatory evacuation para sa mga Pinoy sa Libya, kasunod ng tumitinding bakbakan sa bansa.

Sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na idineklara ang Alert Level 4 sa 100 kilometro sa Tripoli at paligid nito.
Ito ang naging desisyon ng pamahalaan kasunod ng pahayag ng tagapagsalita ng Libyan National Army (LNA) na ang puwersa nito ay naglulunsad ng pag-atake “on various fronts”.
“Yesterday informed the President that I raised the Alert Level to 4 in Tripoli + 100 kms around. More mortar fire, more Filipinos hurt. AL 4 is mandatory evacuation but we cannot compel---and rightly so. What is mandatory is that DFA stays in Tripoli until last OFW goes--- and then it stays,” pahayag ni Locsin sa kanyang social media post.
Hinikayat din ni Locsin ang natitirang halos 1,000 overseas Filipino workers sa Tripoli na lisanin ang Philippine Embassy, kasunod ng tumitinding karahasan sa nakalipas na linggo.
“Please go to the embassy, I beg you,” sabi ni Locsin via Twitter.
-Roy C. Mabasa at Bella Gamotea