Kapwa nanguna sina reelectionist senators Cynthia Villar at Grace, habang si dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ay out, at si incumbent Senator Joseph Victor Ejercito ay pasok sa magic 12 ng mga posibleng manalo sa May 2019 senatorial elections, base sa pinakabagong Pulse Asia survey.

SURVEY_ONLINE

Sa survey na isinagawa nitong Abril 10-14, na binubuo ng 1,800 respondents, napag-alaman ng Pulse Asia na 14 sa mga kumakandidatong senador ang may statistical chance na manalo sa May 2019 elections.

Karamihan sa mga posibleng manalo ay kasalukuyan at dating miyembro ng Kongreso at kabilang sa mga ito, 10 ay tumatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago coalition, habang ang ibang posibleng manalo, ang isa ay tumatakbong independent at ang tatlong iba pa ay sa ilalim ng tatlong partido—Nationalist People’s Coalition, United Nationalist Alliance, at Liberal Party.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Nasa una at ikalawang puwesto sina Villar, 51.7 porsiyento; at Poe, 50.5%, kapwa reelectionists. Si Villa ang pumangalawa sa March survey, habang si Poe ay nananatiling nangunguna.

Sa pagkakaroon ng 45.7%, pumangatlo hanggang pang-apat si dating Senador Lito Lapid, mula sa ikalima hanggang ikawalo nitong Marso.

Si Taguig City Rep. Pia Cayetano, sa 43.9%, ay nasa ikatlo hanggang ikaanim, na mula sa dating ikaapat hanggang ikaanim na puwesto.

Sumunod naman sa kanila sina dating Special Assistant to the President Christopher Go, 40.8%, na nasa ikaapat hanggang ikawalo; at Senador Juan Edgardo Angara, 40.4%, na ikaapat hanggang ikasiyam na puwesto. Kapwa mila sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto at ikatlo hanggang ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Kukumpleto sa listahan ng mga posibleng manalo ay sina Senador Ramon Revilla, Jr. (38.1%, ikalima hanggang ikasiyam na puwesto,  na mula sa ikapito hanggang ika-10 puwesto nitong Maso), dating Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa (36.7%, ikalima hanggang ikasiyam na puwesto, mula sa ikaanim hanggang ikasiyam na puwesto), Senator Maria Lourdes Nancy Binay (36.2%, ikaanim hanggang ikasiyam napuwesto, napanatili ang dating ranking), Senador Aquilino Pimentel III (31.8%, ika-10 hanggang ika-14 puwesto, mula sa ika-11 hanggang ika-16), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (29.6%, ika-10 hanggang ika-14 puwesto o bumaba mula sa siyam hanggang ika-12 puwesto nitong Marso), dating Senador Jinggoy Estrada (28.8%, ika-10 hanggang ika-14 puwesto, mula ika-10 hanggang ika-16), Senador Paolo Benigno Aquino IV (28.8%, ika-10 hanggang ika-14 puwesto, mula sa ika-11 hanggang ika-16), at Senador Joseph Victor Ejercito (28.1%, ika-10 hanggang ika-16 puwesto, mula sa ika-16 hanggang ika-17).

Dating senador Sergio Osmeña III (24.6%, ika-14 hanggang ika-17 puwesto) at dating Senador Manuel Roxas II (24.5%, ika-14 hanggang ika-17 puwesto). Si Osmeña ay ika-11 hanggang ika-16, habang si Roxas  ay ika-11 hanggang ika-17 sa March survey.

Si Tolentino, na ika-10 hanggang ika-16, ay ika-15 hanggang ika-17 na ngayon.

-Ellalyn De Vera-Ruiz