TIYAK na matatanggal sa world rankings si one-time world title challenger Jonas Sultan makaraang matalo kay South African junior bantamweight champion Athenkosi Dumezweni sa 12-round unanimous decision kaya natamo nito ang bakanteng WBC Silver super flyweight title kahapon sa Orient Theatre, East London, Easter Cape, South Africa.

“In a poor fight with both fighters missing badly throughout the South African won with made margins as judge Eddie Pappoe scored 119-108 and judges John Shipanuka and Christophe Fernandez handed in cards of 119-109 and 117-109,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“The southpaw Dumezweni was in control from the opening bell and dropped Sultan who was cut over the right eye, with a swinging left to the jaw in the ninth round to emerge an easy winner after 12 dull rounds,” dagdag sa ulat.

“Dumezweni improved his record 12-2; 8 and Sultan’s record dropped to 15-5; 9.”Tiyak na masisibak sa WBC rankings si Sultan bilang No. 14 contender sa bagong kampeon na si Juan Francisco Estrada ng Mexico at papalit sa kanya ang South African na hindi niya matatalo maliban kung mapatutulog niya sa sariling bansa.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

-Gilbert Espeña