TACLOBAN City – Arestado ang isang school principal sa buy-bust operation sa Calbayog City, Samar, nitong Lunes.

PRINCIPAL_ONLINE

Kinilala ni PLtCol. Joie Yape, Jr., Calbayog City Police chief, ang suspek na si Arnold Abellar, 46, ng Barangay Obrero, Calbayog City, Samar.

Sa inisyal na impormasyon, dinampot ang suspek matapos ang transaksiyon sa Bgy. Obrero, dakong 8:30 ng gabi.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Nakumpiska sa suspek ang dalawang pakete ng umano’y shabu; P1,000 buy-bust money; at isang 357 caliber revolver, na kargado ng limang bala.

Idiniretso ang suspek at ang mga nakumpiska sa Calbayog City Police Station para sa dokumentasyon a disposisyon.

Kakasuhan si Abellar sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at paglabag sa Section 32 ng RA 7166 (An Act Providing for Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms) in relation to Comelec Resolution No. 10446 para sapaglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

-Marie Tonette Marticio