CAMP RAVINA, Baler, Aurora – Dead on arrival sa ospital ang isang truck driver nang mawalan ng preno at sumalpok sa road barriers sa Sitio 36, Barangay Dianawan, Maria Aurora, nitong Linggo.

SELF ACCIDENT – A truck lost its brake and crashed on the road barriers in Sitio 36, Brgy. Dianawan, Maria Aurora, Aurora Sunday afternoon (April 28, 2019). The driver lost conscious inside the truck after declared dead-on-arrival. (Photo by: ERWIN BELEO)

(kuha ni ERWIN BELEO)

Kinilala ni Police Lieutenant Harold Donato, Maria Aurora's police deputy chief, ang biktima na si Jerry M. Lafigueroa, 59, ng Poblacion West, Asingan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Lafigueroa ang elf truck (ABJ 7603), kargado ng concrete tiles na may iba’t ibang sukat, mula sa San Jose, Nueva, Ecija patungong Maria Aurora nang mawalan ng preno.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawalan ng malay si Lafiguera sa loob ng truck at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Isinugod ang biktima sa Aurora Memorial Hospital, ngunit hindi na umabot nang buhay.

-Erwin Beleo at Light A. Nolasco