NANGUNA ang K-pop girl group na BLACKPINK sa 2019 Korea Power Celebrity 40 list na inilabas ng Forbes Korea magazine.

BLACKPINK at BTS

Binubuo ang listahan ng 40 influential people na aktibo sa pelikula, drama, entertainment, musika at sports, na sakop ang period ng Marso 2018 hanggang Pedrero 2019 na pinili mula sa 150 candidates.

Ngayong taon, apat na criteria ang ginamit upang piliin ang listahan: ang media exposure, broadcasting activities, income at SNS (social network service) o social media.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang media exposure ay base sa mga lumalabas na news articles; broadcasting para sa mga domestic activities tulad ng drama at entertainment program; income survey sa mga pelikula, kita, performances, salaries, music charts at advertising fees; habang ang SNS ay sinukat depende sa dami ng followers at subscribers sa social media channels tulad ng YouTube, Twitter, Instagram, Facebook at V Live.

Sa overall top 10, nakuha ng BLACKPINK ang unang puwesto kasunod ang BTS, Wanna One, Wanna One’s Kang Daniel, Red Velvet, comedienne Park Na Rae, trot singer Hong Jin Young, actress Han Ji Min, football player Son Heung Min, at EXO.

Nanguna ang BLACKPINK sa social media, pangalawa sa income, ika-11 sa media exposure at no.15 sa broadcasting. Matatandaang wala ang grupo sa listahan noong nakaraang taon.

Ang BTS naman na nanguna sa listahan noong 2018, ang no.1 sa income at media exposure, pangalawa sa SNS at 39th sa local broadcasting.

Ang Wanna One na pangalawa sa listahan noong nakaraang taon, ay pumangatlo sa media exposure, 32nd sa broadcasting, no.3 sa income at ika-9 sa social media habang si Kang Daniel ay 13th sa media, 17th sa broadcasting, ika-15 sa income at no.9 sa SNS.

Kabilang naman sa mga celebrities na pumasok sa 11th hanggang 20th spot sina Reply 1988 star Ryu Jun-yeol, comedian-MC Yoo Jae-suk, actor Bae Jung-nam, singer IU, actor at TV personality Yoo Byung-jae, AOA’s Seolhyun, TV host Jun Hyun-moo, at mga actor na sina Park Bogum, Lee Byung-hun at Jung Hae-in.

Pasok din sa 21st hanggang 30th sa listahan ang girl group TWICE, actor Yoo Yeon-seok, actress Kim Tae Ri, singer Sunmi, actor Lee Seung-gi, Mamamoo’s Hwasa, Girls’ Generation, Mamamoo, actress Jo Bo-ah at actor Park Seo-joon.

Habang nasa ika-31 hanggang 40puwesto sina actress Son Ye-jin, Apink’s Na-Eun, comedienne at TV personality Lee Young-ja, actress Han Hye-jin, singer Park Joon-hyung, chef Baek Jong-won, GOT7, actor Ha Jung-woo, baseball player Ryu Hyun-jin at actor Ju Ji-hoon.

Base sa kita, pasok sa top 10 ang BTS, BLACKPINK, Wanna One, Son Heung Min, IU, Ha Jung-woo, Red Velvet, Girls’ Generation, Park Seo-joon at Lee Seung-gi.

Top 10 naman sa social media ang BLACKPINK, BTS, Wanna One, Kang Daniel, EXO, IU, TWICE, Girls’ Generation at GOT7.

-JONATHAN HICAP