Magpapatupad ng taas-suweldo sa mga manggagawa sa Caraga region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

PAY HIKE

Ayon kay DOLE-Region 13 director Chona Mantilla, ipaiiral ang nasabing wage adjustment kasunod na rin ng pag-apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)

sa P320-daily minimum wage sa Northeastern Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Saklaw ng Caraga region ang Agusan del Norte at Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur, Dinagat Island, at mga lungsod ng  Butuan, Surigao, Bislig, Cabadbaran, Bayugan at Tandag.

Paliwanag ng RTWPB, aabot sa P15 ang dagdag-suweldo ng mga minimum wage earner sa rehiyon na dating nakatatanggap ng P305 na sahod kada araw.

Paglilinaw pa ng ahensya, ipatutupad ang taas-suweldo sa mismong Labor Day sa Mayo 1.

-Mike U. Crismundo