SASABAK sa mas mataas na antas ng kompetisyon sa swimming age group ang aqualash star na si Michaela Jasmin Mojdeh sa pagsabak sa 2019 Palarong Pambansa.

Sa edad na 12-anyos, at kapapasok pa lamang sa high school, haharapin ni Mojdeh ang mas mga nakatatandang high school students na lalahok din sa taunang multi- sports event para sa mgaa kabataang atleta sa elementarya at high school.

"Bale, kakapasok lang niya sa High school. So 12 palang siya pero mga 16, 17 na kalaban niya," pahayag ni Joan Mojdeh, ang butihing ina ng Palarong Pambansa champion.

Aniya, puspusan ang training na pinagdaanan ni Mojdeh, kabilang ang paglahok sa international competition at series meet ng Philippine Swimming League.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Preparations po niya, nag-undergo siya ng swim camp under kay coach Alex Papa mga 10 days po un then. After nun nag tataper na sila hanggang ngaun po," pahayag ni Joan.

Aminado ang ina ni Mojdeh na hindi magiging madali para sa kanyang anak ang pagsabak ngayon kumpara sa kanyang naging kampanya noong siya ay nasa elementarya pa.

Hinakot ng Batang Mojdeh ang anim na gintong medalya noong 2018 Palarong Pambansa na ginanap sa Vigan Ilocos Sur.

Sa kanyang paglipat sa high school level, mas malalakas na din umano ang mga makakalaban ni Jasmin sa pagsisinula ng kompetisyon sa swimming bukas.

"Mahirap actually kase may isang malakas yung si Xiandi Chua. So ‘yun talaga ang expected mag sweep ng events at mag break ng lahat ng record kasi ata last year niya na sa Palaro," ayon pa sa Ina ni Mojdeh.

"So goal lang po talaga namin is mag record sa 200 fly and hopefully makuha niya mga fly events," aniya.

Pormal nang binuksan ang nasabing edisyon ng Palarong Pambansa kahapon.

-Annie Abad